SMNHS? Ano ang meron sa SMNHS?

Ang Sta Maria Natinal High School o kilala bilang SMNHS na may dalawang klase, ang SMNHS main at extension, at ang isa sa mga ito ay matatagpuan sa Sta. Maria, Alfonso, Lista Ifugao kung saan ito ay ang main na paaralan ng SMNHS samantalang ang extension naman ay matatagpuan sa Potia, Alfonso Lista, Ifugao. Ang SMNHS ay kilalang paaralan sa Ifugao at maging sa ibang lugar dahil na rin sa mga taong bumubuo nito. Ang mga estudyante ng SMNHS ay kayang makipagsabayan at hindi nagpapahuli sa Academics at maging sa larangan ng Sports, kaya nilang makipagkumpitensya gamit ang malinis na paraan. Nagtutulungan din sila kapag may mga aktibidad sa paaralan at kahit hindi sila ang nanalo ay masaya padin sila, nakangiti padin sila at lahat sa SMNHS ay ipinagmamalaki ang mga estudyante at maging ang mga guro. Ang mga guro naman sa SMNHS ay tinuturing ng parang kapamilya ang kani-kanilang estudyante, lahat ay pantay pantay ang tingin sa mga estudyante, bilib din sila sa galing ng mga mag aaral ng SMNHS. Sinisiguro din ng mga guro sa SMNHS kung naiintindihan ba ng mga estudyante ang kanilang tinuturo at hinihikayat ang mga mag aaral na mag aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga mag aaral nang sila ay makatulong sa mga susunod na salinlahi at maging sa iba pa. Ano ang meron sa SMNHS? Ito ang meron sila.

Comments

Popular posts from this blog

The Author